Diaz 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐓𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨, 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐬𝐢𝐠𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐚𝐳 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞

Ni: Mary Angeliand Labe Bersabal

Ipinagdiwang ng Diaz College ang Nutrition Month 2025 noong Hulyo 31, 2025 na may temang “𝑭𝒐𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝑵𝒖𝒕𝒓𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑺𝒆𝒄𝒖𝒓𝒊𝒕𝒚, 𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝑷𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒕𝒚! 𝑺𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒏, 𝑲𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏 𝑵𝒂𝒕𝒊𝒏!”

Ilan sa mga isinagawang paligsahan ay ang Poster Making, Slogan Making, Go, Grow, Glow: Nutri-Dish and Nutri-Table, Best Nutri-Dance, at Nutri-Tips Video Challenge. Sa isang kapana-panabik na pagpapakita ng talento at pagkamalikhain, lumahok ang mga piling mag-aaral mula sa Junior at Senior High School, na naglalayong ipakita ang kanilang mga talento, kasanayan, at malikhaing ideya para sa wastong nutrisyon at kalusugan.

Sa 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁, muling ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang malikhaing galing. Itinanghal na kampeon ang kinatawan mula sa 𝙃𝙐𝙈𝙎𝙎 𝟏𝟐-𝘽 sa pamamagitan ng kanilang makulay at makahulugang obra. Nasungkit ng estudyante mula sa 𝙂𝘼𝙎 𝟏𝟐-𝘼 ang 1st runner-up, habang nakuha ng kinatawan mula sa 𝙎𝙏𝙀𝙈 𝟏𝟐-𝘽 ang 2nd runner-up.

Samantala, sa 𝗦𝗹𝗼𝗴𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁, itinanghal na kampeon ang estudyante mula sa 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟎-𝘽 matapos ipakita ang kanilang malikhaing galing at makahulugang mensahe. Nakamit ng kinatawan mula sa 𝙎𝙏𝙀𝙈 𝟏𝟐-𝘼 ang 1st runner-up, habang itinanghal na 2nd runner-up ang estudyante mula sa 𝙂𝘼𝙎 𝟏𝟐-𝘼.

Hindi rin nagpahuli ang kusina sa selebrasyon. Sa 𝗚𝗼, 𝗚𝗿𝗼𝘄, 𝗚𝗹𝗼𝘄: 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶-𝗗𝗶𝘀𝗵 𝗮𝘁 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶-𝗧𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁, nagpamalas ng kakaibang presentasyon ang mga kalahok. 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟐 ang itinanghal na kampeon sa kanilang masustansyang handa, samantalang pumangalawa ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟕 at pumangatlo ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟏.

Umindak din ang mga mag-aaral sa entablado sa 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶-𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻. Pinahanga ng 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟏 ang lahat sa kanilang siglang ipinamalas at makabagong galaw. Pumangalawa ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟗 at pumangatlo naman ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟖.

Hindi lang pagkain at sayaw ang naging tampok, kundi pati na rin ang malikhaing pag-aayos ng mesa. Sa 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶-𝗧𝗮𝗯𝗹𝗲 𝗗𝗶𝘀𝗽𝗹𝗮𝘆, iginawad ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟖 bilang kampeon, habang pumangalawa ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟏 at pumangatlo ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟕.

Sa makabagong panahon, hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral sa digital na paraan ng pagpapahayag. Sa 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶-𝗧𝗶𝗽𝘀 𝗩𝗶𝗱𝗲𝗼 𝗖𝗵𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻𝗴𝗲, itinanghal ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟖 bilang may Best Nutrition Advocacy Video, habang kinilala naman ang 𝙂𝙧𝙖𝙙𝙚 𝟏𝟐 bilang Most Creative.

Sa kabuuan, pinakita na ang selebrasyon ay higit pa sa pagpapakita ng mga talento, binibigyang-diin nito ang mahalagang papel ng nutrisyon bilang pundasyon ng malusog at masaganang buhay. Ipinakita ng mga kalahok na ang kalusugan ay hindi lamang isang pribilehiyong nakalaan para sa iilan, ngunit isang pangunahing karapatan na pagmamay-ari ng lahat, nagpapatibay sa kahalagahan ng pagiging inklusibo at kabutihan para sa lahat

LinkedIn
Share
Instagram
Tiktok
URL has been copied successfully!
THREADS